Imprint: Precious Hearts Romances (4950)
Released: August 20, 2013
Nang magising si Mia sa ospital ay isang lalaki ang nakita niyang nagbabantay sa kanya. Pagkagulat at pagkalito ang naging reaksiyon niya rito dahil habang kinakausap niya ito ay tila kilalang-kilala siya nito.
“Paano tayo nagkakilala?”
“Nagtatrabaho ka sa `kin bilang Web designer para sa isang kliyente ko.” Ngumiti ito na para bang may naalala. “Hindi tayo magkasundo noon. Madalas tayong magtalo pero habang tumatagal na magkasama tayo, nagkasundo na rin tayo,” paliwanag nito na para bang isa siyang paslit.
“Ano’ng pangalan mo?” tanong niya.
“Kenneth Javier. But you prefer to call me KJ whenever I oppose your ideas. Then you’ll call me Ken whenever we’re okay.”
Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Mukhang handa rin itong ibigay ang buong atensiyon nito sa kanya. Pero pakiramdam niya ay hindi tama iyon, lalo pa at kahit anong piga ang gawin niya sa utak niya ay hindi niya matandaan kung magkakilala nga silang dalawa.
Connected With:
The Geeks Place
