Imprint: Black Ink Novels (BIN0001)
Released: December 2013
"Alam kong may katabi ako ngayon pero hindi ko nakikita," sabi ni Lanie sa lalaking kaharap niya habang hindi inaalis ang tingin dito.
"Kung hindi mo siya nakikita paano mo nalamang may kasama ka? Did you come here alone?" tanong nito. "Of course, when I say 'alone' I meant you being physically alone."
"Yeah..." sagot ni Lanie.
"I didn't want to scare you—and I hope I am not scaring you—but I need to tell you that your companion seems angry at me."
"Anong hitsura niya?"
"H-he's taller than I am."
"Probably six feet?"
"Yes. He's also lean and as I've said angry."
"Anong hitsura ng mukha niya?"
"Ahh... iyan ang hindi ko masasagot."
"Napakunot noo siya. "Bakit?"
"All I can see now is a shadow. At mukhang wala siyang balak ipakita sa ibang tao kung ano talaga ang hitsura niya."
http://gypsyesguerra-blackinknovel.blogspot.com/
