Interview

Q and A with SMP

(Samahan ng Mambabasa ng Pocketbook)
November 19, 2013


1. Bakit mo pinili na magsulat? What inspires you to write novels in contemporary romance? 

Pinili kong magsulat dahil nang subukan kong huwag magsulat pakiramdam ko may mali akong ginagawa sa buhay ko. I guess writing isn't really a choice it's more like "something" chose a certain person to write something.

2. Are you a nerd or a geek?

I'm a nerd. Hindi ako magaling sa technical na mga bagay. At wala akong Mac, hehe.

3. Sino sa mga characters mo ang pinaka-nagenjoy kang isulat at kanino ka higit na nakaka-relate? (Lalim non. Higit.)

Kay Tiffa siguro. "Higit" akong naka-relate sa kanya sa Chapter One ng Wren's Square-Headed Girlfriend because that scene with Valerie was based on a real conversation I had with a friend. I just added and tweak some details. Still, my friend hated me for it. Ilang buwan rin akong hindi nagpakita sa kanya. But we're fine now.

4. Who are your favorite writers, local and international? What are your all-time favorite books?

Lori Foster is among my favorite writer. Kung hindi ako nakabasa ng gawa niya baka hindi ako nagbabasa ng English novels ngayon. I like The Graveyard Book by Neil Gaiman at kahit iyon pa lang ang nababasa kong libro niya nahikayat na 'kong subukan ang iba pa niyang gawa tulad ng Death (comic book). I am also in love with a lot of historical romance written by Edith Layton, Teresa Medeiros, and Kayla Gray.

5. As much as we love reading your books, we also adore your characters, from The Geeks Place to The Reading Room, especially your unique storyline. We love your series because it's something that our readers can relate to the most. What prompted you to write quirky, imperfect and book-nerd characters? 


I mentioned in my blog (http://thegeeksplace-geektionary.blogspot.com/p/geekology.html) and even on the first page of the novel that TGP was an unexpected miniseries. What prompt me to go on writing the second book until I manage to write the whole miniseries?... It's the characters. As you said they were imperfect. During the time I was writing the book one of TGP naisip ko... bakit nga ba hindi ako magsulat ng kakaibang character na hindi karaniwang nababasa sa isang romance novel? Kailangan ba laging guwapo at mayaman ang lalaki? Nang ma-approved ang mga manuscript ko tinanong ako ng editor ko kung ano ang itatawag sa miniseries ko... until, finally... we decided to call it The Geeks Place. Tingin ko sinuwerte lang rin ako na naka-relate ang maraming readers sa mga characters ko at malamang nakatulong rin ang panawagan ko na sana bilhin ng mga tao ang libro ko... 

6. Any news about your upcoming book or series before the year ends? Hindi namin ipagkakalat. Pramis.


Hahaha... sige... secret lang 'to ha?... May sinulat akong novel na ang title ay Cupid's Aim. Connected iyon sa mga nobela kong may Cupid sa title. It was the story of Danny and Eva. Para sa mga nakabasa ng mga iyon sana maalala niyo pa sila. Right now, every one can read the whole novel for free (visit this site if you like >>> thechroniclesofcupid.blogspot.com). Kung bakit ko iyon nilagay online mababasa niyo po sa blog ang dahilan. Tungkol naman sa upcoming book... may naisulat akong story na hindi pang-PHR. Ia-announce ko na lang iyon... soon.

7. Heto, medyo walang konek sa mga naunang tanong. If you could commit a crime and get away with it, what would it be and why? Timer starts now (Salamat google).


Siguro pagnanakaw ng maraming-maraming pera. Pero naisip ko rin, para sa 'kin, mahirap gastusin ang perang hindi ko pinaghirapan. Masarap lang isipin na sana lahat tayo mayaman. Pero siguro kapag nakapulot ako ng isang milyon sa kalye matatakot ako imbes na matutuwa. Unless, kailangan na kailangan ko ng pera para ipa-ospital ang isa sa pamilya ko o ako mismo. Siguro kaya ko lang naisip ang pagnanakaw ng maraming-maraming pera dahil iyon ang karaniwang naririnig at nakikita ko sa mga balita.

8. What point of view do you feel comfortable to write in your stories and why?


Third person... Pero gusto ko na rin subukang magsulat na ang gamit ay first person point of view. Pero teka... ang tanong ba ay kung sa POV ng hero o heroine? Kung oo... pareho ko lang silang gustong sulatin... 

9. Any advice para sa mga aspiring writers?

Writing is a never ending learning process.

10. Message for SMP. (Required talaga yan, sorry.)

Dear SMP... Thank you for letting me have this interview even if I'm not really an active member. I enjoyed answering these questions kasi online lang, hehe. But seriously, thank you. Bilib ako sa grupo niyo dahil organize kayo at pinanindigan niyo na sumunod sa patakaran ng grupo niyo. It's rare to have this kind of group. Sana mapanatili niyo ito at sana dumami pa ang members ninyo. Again, I thank you... (bow).