Imprint: Precious Hearts Romances (4563)
Released: December 26, 2012
Ang misyon lang ni Pheony ay tulungan si Hugo upang mapamahalaan nito nang maayos ang ospital na pag-aari ng mga magulang nito. Kaya nagulat siya nang isang araw ay mag-propose ito ng marriage sa kanya.
Napailing siya. “Sorry. But I won’t marry you.”
“Why not?”
“Because I don’t love you.”
“You don’t?” nakataas ang mga kilay na tanong nito.
“Alam kong naging malapit tayo sa isa’t isa pero hindi ibig sabihin n’on na may nararamdaman na ako para sa `yo. Actually, I was just being nice to you.”
Sinabi ni Pheony na tanging pakikipagkaibigan lang ang kaya niyang ibigay kay Hugo. Ngunit hindi niya inaasahan na kahit ano pala ang gawin niyang pangungumbinsi rito ay tanging sarili lang nito ang pakikinggan nito.
Kaya iniwasan niya ito. But it only made Hugo more determined to make her fall for him. Magagawa kaya ni Pheony na ipaintindi rito na hindi talaga sila para sa isa’t isa o mas magagawa ni Hugo na ipaintindi sa kanya na sila talaga ang nararapat na magsamang dalawa?
Cupid's Trick
Cupid's Arrow
Cupid's Aim
More Information:
http://thechroniclesofcupid.blogspot.com/
