Imprint: Precious Hearts Romances (4959)
Released: August 27, 2013
“Kung iniisip mong ikaw lang ang nag-iisang tao na problemado sa paghahanap ng makakarelasyon, puwes, sasabihin ko na sa `yo ngayon—hirap din akong makahanap ng babaeng magiging girlfriend ko.”
Nagtaka si Ella nang marinig iyon mula kay Gio. Parang imposible kasi na wala itong nobya o walang babaeng magkakagusto rito. Guwapo ito, mayaman, at mabait. Kaya ano pa ba’ng puwedeng maging dahilan ng pagiging single nito? Ngunit agad din nitong sinagot ang tanong niya.
“Dahil kadalasan, ang mga babaeng gusto ko ay may gusto nang iba. The worst part is the person they fell in love with also felt the same way, so I have no choice but to let them go.”
Natulala siya. Ngunit hindi niya rin maiwasang humanga rito. At higit sa lahat, hindi niya naiwasang isipin kung posibleng bagay silang dalawa kahit alam pa niyang may gusto na itong iba.
Connected With:
The Geeks Place
The Nerds Area
More Information:
http://thereadingroom-dictionary.blogspot.com
