Imprint: Precious Hearts Romances (3833)
Released: September 8, 2010
Hindi na kataka-taka para kay Hannah na may mga babaeng nahuhumaling kay Brent. Pero ang hindi niya maintindihan noon pa man ay kung ano ang nagugustuhan ng mga babae rito samantalang nuknukan ito ng suplado. At bakit sa dinami-rami ng babae sa eskuwelahan nila noon ay siya pa ang pinalad na makaaway nito?
Kunsabagay, matagal naman na siyang asar dito at ganoon din naman ito sa kanya. Ngunit mas lumala pa ang “mutual dislike” nila nang mangyari ang isang insidente kaya hindi nangyari ang pangarap niya na ang unang halik niya ay ibibigay lamang niya sa lalaking mahal niya. At iisang tao lang ang sinisi niya sa nangyari—si Brent.
Ayos na sana ang lahat, nakalimutan na niya ang masaklap na pangyayaring iyon sa buhay niya, pero pagkalipas ng sampung taon ay nagkita uli sila ni Brent. At ang mas ikinagulat niya ay napapansin na niya ang kaguwapuhan nito na dati naman ay walang epekto sa kanya.

Connected With:
First Dance
First Love