Publisher: Precious Pages Corporation
Imprint: Precious Hearts Romances (4294)
Released: May 23, 2012
Released: May 23, 2012
Nawalan na ng gana sa buhay si Aiyesha pagkatapos mamatay ng kanyang ama. Mula noon, inisip niyang hindi na niya kailangan pa ng ibang tao dahil ang pagsasayaw at ang mommy lang niya ang tanging mahalaga para sa kanya. Pero nang makita uli niya ang dati niyang kaklaseng si Mike ay hindi na siya tinantanan nito.
Bigla na lang itong sumusulpot sa mga lugar kung saan siya naroon. To get rid of him, pumayag siyang makipagpustahan dito. Kapag nanalo siya ay lalayuan na siya nito at kapag ito naman ang nanalo ay magiging girlfriend siya nito.
Nang pumayag siyang makipagpustahan kay Mike ay nakalimutan niyang bukod sa pagiging maloko, kung minsan ay tuso rin ito.
Kaya naman ikinagulat pa niya na unti-unti na palang sinisira nito ang paniniwala niya dahil nagagawa nitong umeksena sa bawat araw na nais sana niyang mapag-isa. Ang mas ikinawiwindang pa niya ay ang walang kiyemeng pag-asta nito bilang boyfriend niya kahit dineretsa na niya ito na walang aasahan ito sa kanya.
Connected With:
First Kiss
First Love
